^

Police Metro

ERVIs sa Brgy. election tumaas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tumaas ang insidente ng Election Related Violence (ERVIs) sa bansa kaugnay ng gaganaping Brgy. Elections sa darating na Lunes (Oktubre 28).

Sinabi ni P/Sr. Supt  Wilben Mayor, Spokesperson ni PNP Chief Director General Alan Purisima, kumpara sa 25 insidente ng ERVIs noong Brgy. election na nairekord noong Oktubre 25, 2010 ay bahagya itong tumaas sa kasalukuyan na nasa 30 na ang bilang.

Ayon kay Mayor, may naitalang 30 karahasan simula Setyembre 28 hanggang Oktubre 24 sa taong ito o apat na araw bago ang Brgy. polls.

Sinabi ni Mayor na ang PNP ay handang banta­yan ang nasa 36,768 polling centers sa buong bansa.

Samantalang, nakahanda rin ang nasa 1,724 pulis para magsilbing Special Board of Election Tellers sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM)  partikular na sa lalawigan ng Maguindanao na tumatanggi ang mga guro na gampanan ang kanilang tungkulin sa eleksyon.

Una nang sumailalim sa pagsasanay ng COMELEC ang nasabing mga pulis na magsisilbing Board of Election Tellers.

Sa panig ng AFP, sinabi naman ni Brig Gen. Domingo Tutaan Jr. na may sapat na bilang ng tropa ng mga sundalo na ipakakalat para tumulong sa pulisya sa pangangalaga sa seguridad ng halalan.

 

AUTONOMOUS REGION

BOARD OF ELECTION TELLERS

BRGY

BRIG GEN

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

DOMINGO TUTAAN JR.

ELECTION RELATED VIOLENCE

MUSLIM MINDANAO

OKTUBRE

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with