^

Police Metro

‘Urduja’ papasok sa PAR bukas

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bumilis ang isa pang bagyo na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas araw ng  lunes

Ayon kay Jori Loiz, weather forecaster ng  PAGASA bagamat nasa labas pa ng PAR ang bagyong ‘Urduja’ sigurado na ang pagpasok nito sa bansa sa Lunes ng umaga Oktubre 21, 2013.

Sinabi pa ni Loiz na nasa dagat Pasipiko pa ang bagyong ‘Urduja’ at maaaring dumaan lamang sa bansa sa sandaling makapasok ito.

Nabatid pa ng PAGASA na ang nararanasang pag-ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila at ilang lalawigan ng Luzon ay bunga ng hanging amihan at hindi hanging habagat .

Idinagdag pa ni Loiz na sa sandaling pumasok ng PAR ang bagyong ‘Urduja’ hindi ito magdadala ng pag-ulan dahil halos nasa itaas ito ng kaulapan at posibleng dumaan lamang ng bansa.

Gayunman, pinaalalahanan ng PAGASA ang publiko na magdala ng payong o pananggalang sa ulan dahil sa pabugso bugsong pagbuhos ng ulan o kaya ng jacket bilang proteksyon dahil sa malamig na simoy ng hangin.

AYON

BUMILIS

GAYUNMAN

JORI LOIZ

LOIZ

METRO MANILA

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

URDUJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with