Biyahe ni PNoy sa Korea, matagumpay
MANILA, Philippines - Iniulat ng Pangulong Benigno Aquino III na naging matagumpay ang dalawang araw na state visit nito sa bansang Korea.
Sa kanyang arrival message sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 sa Pasay City noong Biyernes ng gabi, sinabi ng Pangulo na umuwi siyang mas determinado na ipagpatuloy ang mga nasimulang pagbabago sa bansa dahil na rin sa nakita niyang karanasan ng South Korea na dumaan din sa matinding pagsubok.
Hinihiling ng Pangulo ang suporta ng bawat Pilipino na tumulong para sa pagbabago ng bansa.
“Nakakataba po talaga ng puso ang pagkakataong maging kinatawan ng aking mga Boss sa ating mga karatig-bansa dahil talaga nga pong ibang-iba na ang mukhang maihaharap natin sa mundo ngayon. Hindi po ako magsasawang sabihin: Talagang napakasarap maging Pilipino sa mga panahong ito,†anang PaÂngulo.
Ipinagmalaki rin ng Pangulo ang nakuhang suporta mula kay President Park Geun-Hye para sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon sa Pangulo, nagkaroon sila ng mabungang talakayan ni Park sa mga isyung may kinalaman sa depensa, disaster response, trade, maritime dispute at sports.
Ilang South Korean companies na ang nagpahayag na maglalagak ng mas malaking negosyo sa Pilipinas katulad ng Hanjin.
- Latest