^

Police Metro

4 kelot nagpakamatay

Ludy Bermudo, Lordeth Bonilla at Cristina Go-Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat na lalaki ang nagpakamatay  sa iba’t ibang ka­paraanan sa magkakahiwalay na lugar sa Maynila, Parañaque City at Cavite.

Sa Maynila, isang 29-anyos na lalaki na kini­la­lang si Dionisio Vergara, house painter, ng Ususan Extension, Calamba City, Laguna ang tuma­lon mula sa hagdanan ng light rail transit (LRT)
United Nation Station kahapon ng alas-6:00 ng  umaga.

Sa salaysay ng isang sekyu sa pulisya na na­kita na lang na nasa iba­ba na ng sementadong
kalsada at duguan ang ulo ng biktima.

Walang suot na pang-itaas at wala rin sapin sa paa ang biktima kaya’t pinaniniwalaang wala sa tamang kondisyon ang pag-iisip nito.

Uminom naman ng lason sa garapata ang 37-anyos na seaman na nakilalang si Bayani Jade Resos, ng Quezon St., Don Bosco, Tondo, Maynila sa loob ng Sogo Hotel, Cartimar Building, CM Recto Avenue, Quiapo, Maynila.

Batay sa ulat, kinatok ng room attendant ang kuwarto ng biktima dahil sa tapos na ang 6 oras na binayarang pagcheck-in kamakalawa ng alas-4:00 ng hapon, subalit hindi sumasagot kaya’t napilitan na buksan ang kuwarto at dito ay tumambad na hindi gumagalaw at bumubula ang bibig nito.

Nakuha sa tabi ng biktima ang isang transpa­rent plastic bottle na may
tira pang powdered chemical na ginagamit sa pagpatay ng mga grapata ng aso, at residue nasa baso na hinihinalang ti­­nunaw bago ininom.

Narekober lamang sa biktima ang kaniyang cell phone at wallet na may
calling cards.

Labis na pagdaramdam matapos na pagalitan ng kapatid ang dahilan nang pagbibigti ng biktimang si Tarquin Mamaril, 57, jobless, ng Choco St., Barangay BF, Parañaque City kahapon ng alas-9:00 ng umaga.

Sa pahayag ng kapa­tid ng biktima na si El­pidio Jr. sa pulisya na sandaling iniwan muna niya ang kapatid dahil may pinuntahan ito, su­ba­lit pagbalik niya sa kanilang bahay ay tu­mambad sa kanya ang wala ng buhay na kapatid na nakabigti.

Ayon pa kay Elpidio Jr., na may personal na problema ang kapatid matapos itong pagalitan  ng kanilang kapatid na babae na posibleng labis nitong dinamdam.

Nagbigti rin ang bik­timang si Joselito Jal­manzar alyas Totoy, 26, ng  Block 89, Lot 12, Brgy. Ipil-II, Silang, Cavite ma­tapos na makatalo nito ang live-in partner dahil lang sa pag-half day nito sa trabaho.

 

vuukle comment

BAYANI JADE RESOS

CALAMBA CITY

CARTIMAR BUILDING

CAVITE

CHOCO ST.

MAYNILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with