^

Police Metro

Agri firm aagapay sa mga magsasaka

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines -Isang kumpanya tungkol sa agrikultura ang uma­no’y magbibigay ng bagong pag-asa sa mga magsasaka sa bansa.

Ito ang inihayag ni Joseph Calata, 32-anyos na Chairman at Chief Executive Officer ng Calata Corporation na pumasok sa isang kasunduan sa New Hope Group (NHG) ng China para ilunsad ang ba­gong brand ng animal feeds na maibebenta sa buong Pilipinas.

Ang NHG ay isa sa pi­na­kamalaking producer ng feeds sa buong China mula sa kapasidad nito na makalikha ng 26.6 milyong tonelada ng animal feeds na kung saan kumikita ito ng tinatayang 8.8 bilyong dolyar kada taon.

May sariling pasilidad sa bansa ang NHG na nagsimulang palawakin ang kanilang negosyo sa labas ng China simula pa noong 1996.

Bukod sa Pilipinas, me­ron din pasilidad ang NHG sa Vietnam, Bangladesh, Bengal at Indonesia.

Ang produkto na ipapa­kilala ng Calata at NHG ay tatawagin na Golden Bean feeds na hindi lang sa Central at Northern Luzon maipamamahagi kundi makakarating din ito sa mga probinsiya sa Visayas at Mindanao na kilala sa industriya ng agrikultura.

Ang Calata Corpora­tion na nakabase sa Plaridel, Bulacan ang itinuturing ngayon na pinakamalaking agri-conglomerate sa Pilipinas mula sa isang simpleng negosyong pampamilya ay naging kilala ito bilang distributor ng agro-che­micals, fertilizers, seeds at veterinary medicines.

ANG CALATA CORPORA

CALATA CORPORATION

CHIEF EXECUTIVE OFFICER

GOLDEN BEAN

JOSEPH CALATA

NEW HOPE GROUP

NORTHERN LUZON

PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with