^

Police Metro

Malakas na buhos ng ulan sa Western at Central Visayas… 8 patay sa baha

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Dulot ng Inter Tro­pical Conver­gence Zone (ITZ) ay walong katao ang ini­ulat na nasawi sa pana­na­lasa ng flashflood sanhi ng malalakas na pagbuhos ng ulan sa Western at Central Visayas.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kinilala ang mga nasawing sina Quennie Ymon, 5, tinangay ng baha sa Fabella Creek sa Valderama, Antique at Ce­ferino Nietes, naanod naman ng malakas na agos sa Sabang River sa Bugasong, Antique.

Anim naman ang nasawi sa Central Visayas sanhi ng mga pagbaha particular sa Negros Orien­tal na kinilalang sina PO1 Rodelyn Gonzaga, 29 nasawi sa rescue operation sa kasagsagan ng pagbaha sa Brgy. Buala, Bayawan City; Shirley Tombrador, Ro­nald Gargarian,14; Brgy. Minaba, buntis na ginang na si Maricel Regado; Puriciano Sedo, 74; pawang sa Bayawan City at Tamprio Barcoron, tinatayang nasa 60-70-an­yos sa Brgy. Isla, Banga ng nasabing lalawigan.

Nawawala naman sina Jayvee Lofranco, 19 at isang tinukoy lamang sa pangalang Erwin, 23. Habang nasa 13,000 katao ang apektado.

Idineklara rin sa state of calamity ang Bayawan  City, Negros Oriental ma­tapos lumubog sa baha ang malaking bahagi ng lungsod sanhi ng malala­kas na pag-ulan simula noong linggo.

Apektado rin ng mga pagbaha ang mga bayan ng Siaton, Basay, Banga, Santa Catalina, Mabi­nay at Dumaguete City; pa­wang sa nabanggit na lalawigan.

Nagkaroon rin ng storm surge sa ilang baybaying lugar sa Negros Oriental na pinatindi pa ng high tide dito.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Eduar­do del Rosario ang mga pagbaha ay nakaapekto sa 18,828 pamilya o kabuuang 92,658 katao sa Region VI, VII, IX, X at XII.

BAYAWAN CITY

BRGY

CENTRAL VISAYAS

DUMAGUETE CITY

EXECUTIVE DIRECTOR EDUAR

FABELLA CREEK

INTER TRO

NEGROS ORIENTAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with