Babala ng POEA...‘Non-existent jobs’ sa Italy iwasan
MANILA, Philippines - Nagbigay ng babala kahapon sa publiko ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na iwasan ang mga iniaalok na ‘non-existent jobs’ sa Italy.
Ginawa ng POEA ang babala kasunod nang natanggap na report na nag-aalok ng non-existent jobs sa naturang bansa ang kumpanyang Baggio SPA Transporti Combinati.
Ayon kay POEA Administrator Hans Leo J. Cacdac, isang Andrew Lorenzo, na empleyado umano ng naturang kumpanya, ang nagsabi na ang naturang kumpanya ay nagre-recruit ng mga Pinoy ngunit ang kanilang mga employment documents ay ipu-proseso ng direct hiring sa Malaysia. Batay sa ulat, isang ahente na may pangalang Arnie Almazan, na nakabase sa Malaysia, ang humihingi ng Php55,000 mula sa aplikante para sa placement at visa fee ng mga ito.
Isa pa umanong ahente sa Pilipinas ang humihingi naman sa mga aplikante ng Php6,000, para sa POEA processing fee. Sinabi ni Cacdac na ang pag-recruit ng mga manggagawa sa pamamagitan ng third country ay isang lumang modus operandi ng mga illegal recruiter.
- Latest