4 pa MNLF napatay, 6 sumuko sa gutom
MANILA, Philippines - Sa ika-12 araw ng krisis sa Zamboanga City ay napatay ang 4 na miÂyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) habang anim ang sumuko sa gutom at wala nang mga bala kahapon ng umaga.
Sinabi ni Lt. Col HaÂrold Cabunoc, Commander ng AFP-Civil Relations Group (AFP-CRG)), dakong alas-9:15 ng umaga nang makabakbakan muli ng tropa ng mga sundalo ang nalalabi pang miyembro ng rogue MNLF sa Brgy. Sta Barbara.
Wala namang iniulat na karagdagang nasugaÂtan at nasawi sa panig ng mga sundalo sa nasabing panibagong bakbakan kahapon.
Anim namang rouge MNLF na nanghihina na sa gutom at wala ng mga bala ang sumuko sa tropa ng pamahalaan sa nasabing barangay.
Sa kabuuan, umaabot na sa 117 ang naaresto at nagsisukong rogue MNLF sa puwersa ng gobyerno simula noong Setyembre 9 nang lumusob ang may 300 nitong miyembro sa ilang coastal barangay sa lungsod ng Zamboanga. Naitala rin sa 98 na ang napapaslang na rebelde sa bakbakan sa apektadong lugar sa lungsod.
- Latest