17 senador ok sa pagsuspindeng SK elections
MANILA, Philippines - Payag ang may 17 senador na suspendihin ang SK elections sa Oktubre at ituloy na lamang ito sa 2016.
Ito ang sinabi ni SeÂnate President Franklin Drilon sa weekly forum sa Annabels QC at anya ay minamadali na nila sa senado ang pagpasa sa Senate Bill No. 1186 na nagpapaliban sa naturang halalan.
Pabor din siya sa pahayag ni Senador Ferdinand Marcos Jr. na huwag payagan ang mga incumbent SK officials na manatili sa puwesto hanggang 2016 dahil pagdaÂting ng taong ito ay mataas na sa 17-anyos ang mga ito o overage na sa nabanggit na taon.
Ang SK officials ay may edad 15 anyos hanggang 17 anyos lamang.
Nakapasa na sa ikalawang pagbasa sa Senado ang panukalang ipagpaÂliban ang SK elections ngayong taon.
- Latest