4 patay, 13 sugatan sa Basilan
MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) at isang kasapi ng Civilian Volunteers Organization (CVO) ang nasawi habang 13 ang nasugatan nang magsagupa ang tropa ng pamahalaan at mga ASG kahapon ng umaga sa Brgy. Colonia, Lamitan City, Basilan.
Inihayag ni Col. CarliÂto Galvez, Commander ng Armys 104th Brigade at Task Force Basilan na kabilang sa mga sugatan ay dalawang CVO, isa rito ay kritikal at dalawang sundalo habang ang pito ay mula sa panig ng mga kalaban na nagsanib puwersang Abu Sayyaf, Moro National Liberation Front (MNLF) at BangsaÂmoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Ayon sa AFP ang insidente ay pinaniniwalaang spillover ng hostage crisis sa pag-atake ng MNLF sa ilang barangay sa ZamÂboanga City na nasa ikaapat na araw na kahapon.
Batay sa ulat, bandang alas-9:30 ng umaga nang mangyari ang pag-atake ng mga bandidong Abu Sayyaf sa naturang komunidad kaÂya’t nagresponde ang tropa ng militar na sinagupa ang umaatakeng mga armadong grupo ng Abu Sayyaf nauwi sa bakbakan.
- Latest