Paggamit ng ‘pork’ pinigil ng SC
MANILA, Philippines - Pinigil kahapon ng Supreme Court ang pama-mahagi sa mga mambabatas ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF), o pork barrel na kasalukuyang iniimbestigahan ng Senado at National Bureau of Investigation.
Matapos ang en banc meeting nag-isyu ang High Tribunal ng temporary restraining order (TRO) sa pamamahagi ng natitirang PDAF ngayong 2013 national budget at ang Malampaya Funds na gagaÂmitin para sa pagpapairal ng bahagi ng probisyon ng Section 8 ng Presidential Decree 910.
Ang pagpapalabas ng TRO ay unanimous decision at ibinase sa 3 petitions laban kina President Benigno Aquino III, Senate President Franklin Drilon, et al at Executive Secretary Paquito Ocha Jr., et al.
Ang isang petisyon ay isinampa ni dating Manila Councilor Greco Belgica; ang isa ay kay Samson Alcantara ng grupong Social Justice Society; at ang huli ay kay Pedrito Nepomuceno.
Nakatakdang gawin ang oral arguments sa Oktubre 8 ganap na alas-2:00 ng hapon kung saan binigyan din ng SC ang mga petitioner at respon-dents ng 10 araw para magkomento.
Ang multi-billion pork scandal na ngayon ay nasa 3 buwan nang pinag-uusapan na nag-uugnay kay Janet Lim Napoles at sa iba pang mambabatas.
Si Napoles ay inakusahan na nagbulsa ng mga pork barrel sa pamamagitan ng mga pekeng NGOs na alam umano ng mga mambabatas o ang kanilang chiefs of staff.
Nagalit ang mga mamamayan sa nasabing pork barrel scandal kung kaya’t nagsagawa noong Agosto 26 ng isang rally sa Luneta na kumokondena sa mga lawmakers sa maling paggamit ng pork barrel.
- Latest