Binata pinabulagta
MANILA, Philippines - Bulagta ang isang binata makaraang tamaan ng bala ng sumpak at bugbugin pa ng mga kawatan ng kalapit-bahay nito sa Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Rannie Espadero, 26, nakatira sa #432 Agham Road, San Roque 2, Brgy. Bagong Pag-asa, sa lungsod.
Isa sa tatlong suspek na ngayon ay tinutugis na ng pulisya ay kinilalang si Lyndon Cortaga, kapitbahay ng biktima.
Ayon kay PO1 Julius Balbuena, may hawak sa kaso, ang insidente ay naganap dakong alas-3:30 ng hapon sa harap ng Adelina Farm malapit sa Agham Road.
Ayon sa saksi na si Albert Lacaba, nakatayo siya sa lugar nang makitang dumating ang mga suspek at biglang pinagtulungan na bugbugin ang biktima.
Sinabi ni Lacaba, kahit sugatan na ang biktima ay nagawa pang tumakbo pero hinabol pa siya ng mga suspek at nang maabutan ay doon binaril ng sumpak bago nagsitakas.
- Latest























