Sa sakit na TB 5 katao namamatay kada minuto
MANILA, Philippines - Iniulat kahapon ng pamunuan ng Department of Health (DOH) na lima katao ang namamatay kada-minuto dahil sa pagkakaroon ng sakit na tuberculosis (TB).
Ayon kay DOH National Capital Region Director Eduardo Janairo, kung alam lang ng mga tao ang dapat nilang gawin ay wala sanang mamamatay sa sakit na TB.
Sinabi ni Janairo na ang TB ay isang major public health concern dahil 75 Pinoy ang nasasawi sa nasabing sakit araw-araw.
Ang Pilipinas din aniya ang pang-siyam sa 22 high burdened countries sa buong bansa at pampito naman sa may pinakamaraming bilang ng nasawi na umabot sa 31,000 noong 2010.
Batay sa DOH National Tuberculosis Report of 2012, mayroong 32,638 registered TB cases sa MeÂtro Manila at ang Quezon City ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso na umabot sa 6,680. Sumunod naman ang Maynila (5,649), Caloocan (3,366), Taguig (2,238), Valenzuela (2,159), Pasig (1,628), Las Piñas City (1,281), Marikina (1,198), Mandaluyong (1,147), Malabon (1,121), Muntinlupa (1,098), Makati (1,095), Navotas (1,095), Parañaque (1,089), Pasay (981), San Juan (326), at Pateros (150).
Giit ni Janairo, kinaÂkailangan lamang na ang isang taong may sakit na TB ay sumailalim sa regular na treatment at regular na inumin ang kanyang gamot sa ilalim ng DOTS, upang gumaling.
- Latest