Estudyante utas sa holdap
MANILA, Philippines - Utas ang isang esÂÂtudyante ng AdamÂson University makaraang manlaban at pagbabarilin ng apat na holdaper na bumiktima sa kanya habang naglalakad na pauwi sa kanilang taÂhanan sa Ermita, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Ang biktima na dead-on-arrival sa Philippine General Hospital (PGH) dahil sa tinamong apat na tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan ay nakilalang si Zhezhin Luo, 21, Chinese national, naninirahan sa Unit 902, Avenue of the Art, Sta. Monica St., corner Roxas Blvd., Ermita, Maynila.
Sa imbestigasyon ni SPO3 Rodelio Lingcong ng Manila Police District-Homicide Section, nabatid na dakong alas-3:11 ng madaling araw nang holÂdapin ang biktima ng apat na suspek na sakay ng dalawang motorsiklo.
Sinasabing ang isa sa apat na suspek ay isang babae na pawang naka-itim na jacket at naka-helmet.
Sa pahayag ng saksing si Bambi Molar, 28, nakasabay umano niya ang biktima sa paglalakad sa kahabaan ng Ayala Boulevard at pagsapit sa harap ng Technological University of the Philippines (TUP) ay hinintuan sila ng dalawang motorsiklo at bumaba ang dalawang back-ride na suspek.
Agad umanong sinaÂbayan sa paglalakad ang biktima at nagdeklara ng holdap at sapilitang kinukuha ang dala-dalang laptop pero nanlaban ito at tinadyakan ng dalawang suspek kaya natumba sa kalsada.
Mabilis namang sumaklolo ang dalawang pang suspek na noon ay sakay pa ng motorsiklo at nagbunot ng baril at sunud-sunod na pinaputukan ang estudyante at nang malugmok ay tinangay ang dalang laptop saka bumalik sa motorsiklong at mabilis na tumakas.
Ayon kay Molar, nagulat siya sa pangyayari kaya sa takot ay nagkubli ito pansamantala at lumabas na lamang nang wala na ang mga suspek para tulungan ang biktima na maisugod sa pagamutan.
Nagsasagawa ngayon ng follow-up operation ang mga tauhan ng Manila’s Finest para madakip at makasuhan ang apat na suspek.
- Latest