^

Police Metro

Pinoys sa Egypt at Syria umuwi at magnegosyo

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines -Umuwi na lamang at magnegosyo upang hindi na madamay at maipit sa kaguluhan sa bansang Egypt at Syria.

Ito ang paghihikayat ni Marinduque Rep. Regina Reyes sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) doon dahil sa  may maganda namang programa at tulong na inaalok ng gobyerno sa mga ‘returning OFWs’ kabilang na rito ang ‘livelihood package’ at pagpapautang ng kapital para magsimula ng isang negosyo.

Ayon kay Reyes, ang Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) ang nangangasiwa at magkakaloob ng kapital para sa mga nais na negosyo na babalik na OFWs mula sa Egypt at Syria.

Habang ng Department of Labor and Employment (DOLE) naman ang magbigay ng libreng seminar sa mga nais pasuking ang negosyo ng mga babalik na OFWs.

Muling iginiit ni Rep. Reyes na dapat samantalahin ang mandatory evacuation ng mga OFWs na ipinapatupad ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA).

AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

HABANG

MARINDUQUE REP

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

OVERSEAS WORKER WELFARE ADMINISTRATION

REGINA REYES

REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with