^

Police Metro

Palaboy namatay sa ginaw

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -Posibleng namatay sa ginaw ang isang lalaking palaboy matapos itong matagpuang basang-basa at nakahalukipkip habang nakaupo sa bangketa kamakalawa ng gabi sa Binondo, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Nolan Bunao, nasa 50-52 anyos, may taas 5’5” at walang permanenteng tirahan na nadiskubreng wala ng buhay dakong alas-8:40 ng gabi sa may panulukan ng Muelle de Binondo at Commercio St. ng barangay tanod na si Melchor Basan.

Bago natagpuang patay ang biktima ay nakita pa umano ito na namumulot ng mapapakinabangan at tirang pagkain sa Divisoria Mall bandang alas 11:00 ng umaga ng araw na iyon.

Malaki ang hinala na may sakit ang biktima na lalong tumindi dahil sa ilang araw na pag-ulan at wala namang masilungang maayos.

 

vuukle comment

BINONDO

COMMERCIO ST.

DIVISORIA MALL

KINILALA

MALAKI

MAYNILA

MELCHOR BASAN

MUELLE

NOLAN BUNAO

POSIBLENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with