9 na ang patay sa ulan at baha
MANILA, Philippines -Umakyat na sa 9 katao ang naitalang nasawi, apat ang nawawala habang mahigit naman sa 600,000 ang mga residenteng naapektuhan ng matinding pagbaha na dulot ng bagyong Maring at habagat.
Inihayag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario na ang nadagdag sa mga nasawi ay mga nasawi sanhi ng pagkalunod ay matapos na matagpuan bangkay ang isang napaulat na nawawala sa Tanza, Cavite ay sina Jeric Surgello, 3, sa Mariveles, Bataan; Renato Lacsamana, 64 ng Lubao, Pampanga; 11-buwang sanggol na si Jian Charles Centeno sa Malolos City, Bulacan at Justin Viray, 1-anyos at 3 buwang batang lalaki sa Minalin, Pampanga at ang ika-9 ay si Irene Manaois, 49-anyos na pagkalunod matapos na ma-trap sa Sagada Cave sa Mountain Province..
Nasa 11 katao naman ang nasugatan siyam rito ay sa aksidente sa Cabugao, Apayao; dalawa sa BinaÂngonan, Rizal habang apat pa ang nawawala na tigi-isa mula sa Tubo, Abra; isa sa Bontoc, Mt. Province; isa sa Sagada, Mt. Province at isa naman sa Tanza, Cavite.
Umaabot naman sa 125,024 pamilya o kabuuang 60,114 katao ang naaÂpekÂtuhan ng kalamidad sa Regions 1, 3, IV-A, IV-B, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region.
Sa mga naapektuhan, nairekord sa 9,153 pamilya o 90,458 katao ang kinakanlong sa mga evacuation centers habang nasa 19,140 o 90,458 ang nakituloy naman sa kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan na naninirahan sa matataas na lugar.
Nasa 64 mga kalsada sa Regions III, IV-A, IV-B, V, CAR at Metro Manila ang hindi pa rin madaanan ng mga behikulo dahilan sa sobrang taas ng tubig baha.
Hindi rin madaanan ang isang tulay sa Mt. Province habang apat na pagkawala ng kuryente ang naitala sa lalawigan ng Occidental Mindoro.
Sa kasalukuyang ay nasa 347 pa ring mga lugar sa 42 munisipalidad at lungsod sa Regions 1, III, IV-A, IV-B at NCR ang lubog pa rin sa baha.
Kanselado rin ang mga biyahe ng eroplano dahilan sa kalamidad kung saan binaha ang mga highway patungo sa Ninoy Aquino International Airport.
- Latest