^

Police Metro

Lolo inanod ng baha, patay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Namatay ang isang 60-taong gulang na lolo matapos itong tangayin ng malakas na agos ng tubig baha bunsod ng malakas na pagbuhos ng ulan sa bayan ng Matanao, Da­vao del Sur, kamakalawa hapon.

Kinilala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang biktima na si Erme Esperanza.

Ayon sa report, ganap na alas-4:30 ng hapon habang hila-hila ng matanda ang alaga nitong kalabaw ng biglang tumaas ang tubig baha at tangayin ito sa Purok Duranta, Bangkal Proper ng nasabing bayan.

Ang bangkay ng ma­tanda ay narekober ma­tapos ang ilang oras na paghahanap ng search and rescue team.

Iniulat din ng NDRR­MC na ang pagbaha sa lugar ay ikinapinsala rin ng Borilon Bridge sa Brgy. Kabasagan habang nasa 1.56 namang hektarya ng mga puno ng niyog at 20 hektaryang sagingan  ang napinsala ng masamang lagay ng panahon.

AYON

BANGKAL PROPER

BORILON BRIDGE

BRGY

ERME ESPERANZA

INIULAT

KABASAGAN

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

PUROK DURANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with