^

Police Metro

7 na ang dedo kay ‘Labuyo’

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Pito katao na ang na­italang nasawi habang  tumaas na rin sa P816.504-milyon ang iniwang pin­sala ng hinagupit ng bag­yong Labuyo.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa pinakahuling report, pampito sa nasawi ay ang 40 anyos na ginang  na si Benny Labio Almario, ng Brgy. Magsaya Sur, San Agustin, Isabela. Ang bangkay ng biktima na umano’y may diperensya sa pag-iisip ay narekober bandang alas-11:00 ng gabi sa Brgy. Dipanget, Jones, Isabela.

Ang ginang ay naku­nan pa ng video na napanood noong Lunes sa telebisyon habang nagsasayaw sa ibabaw ng bubungan ng kanyang kubo hanggang sa tulu­yang tangayin ng malakas na agos ng tubig baha.

Sinabi ni NDRRMC Executive Director Eduardo del Rosario, kabilang pa sa mga nasawi ay sina Joemar Salicong ng Benguet; Reynaldo de la Cruz ng Nueva Vizcaya; Alvin Sesante at Nelson Fuentes; kapwa ng Cebu; Samson Dimante at Romeo Gonzales.

Isinailalim na rin sa state of calamity ang Candelaria sa Aurora; Sta. Cruz sa Quirino at Masinloc, Zambales; pawang dumanas ng matinding delubyo sa bagyong Labuyo.

Naitala naman sa P816.­504 M ang pinsala ng bagyo sa ari-arian sa lalawigan ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon at Cordillera na kinabibila­ngan ng P114,721,300-M sa imprastraktura at P700,783,154.66-M naman sa agrikultura.

Ang bagyong Labuyo, ayon pa sa opisyal ay nakaapekto rin sa 41,163 pamilya o kabuuang 186,378 katao sa 374 barangay sa 77 bayan at limang lungsod sa 16 lalawigan na binayo nito.

ALVIN SESANTE

BENNY LABIO ALMARIO

BRGY

CAGAYAN VALLEY

CENTRAL LUZON

CRUZ

EXECUTIVE DIRECTOR EDUARDO

ISABELA

LABUYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with