^

Police Metro

3rd sex na magkakaroon ng relasyon sa may-asawa kakasuhan… ‘My Husband’s lover’ bill ikinasa

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang baguhang kongresista ang nagsulong ng panukalang batas na “My Husband’s Lover “ Bill.

Sa ilalim ng House bill 2352 na inihain ni Albay Rep. Edcel Lagman Jr., papatawan ng parusa ang mga homosexuals na magkakaroon ng relasyon sa may-asawa.

Layunin ng panukala na amyendahan ang panukalang crime against chastity na nagtatakda ng parusa sa mga nanganga­liwa para ipasakop dito ang mga bakla at tomboy.

Paliwanag ng mambabatas na sa kasalukuyan, ang crime against chastity o adultery at concubinage ay sumasakop lamang sa extra marital affairs ng mga lalaki at babae.

Subalit, kung ang lala­ki ay nakipag-relasyon sa kapwa lalaki na may asawa o isang babae ang nakipag relasyon sa babaeng may-asawa ay hindi pa maituturing na krimen dahil walang batas na sumasakop dito.

Nilinaw naman ni Lagman na suportado nito ang Lesbian Gay Biasexual Transgender (LGBT) community, subalit hindi lamang ang positibong panig nito ang dapat pagtuunan ng pansin at katulad ng kasal ang pagkakapantay-pantay ng lahat ay dapat na pinaiiral.

vuukle comment

ALBAY REP

EDCEL LAGMAN JR.

ISANG

LAGMAN

LAYUNIN

LESBIAN GAY BIASEXUAL TRANSGENDER

MY HUSBAND

NILINAW

PALIWANAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with