6 Todas, 29 sugatan sa Cotabato Blast bomba ikinabit sa motorsiklo…
MANILA, Philippines - Isang bomba na ikiÂnaÂbit sa isang motorsiklo ang sumabog na ikinasawi ng anim na katao at malubhang pagkasugat ng 29 iba pa na naganap kahapon ng hapon sa panulukan ng Maniara Street at Sinsuat Avenue, Brgy. Rosary Heights 10, Cotabato City.
Ang insidente ay sa gitna na rin ng babala ng US Intelligence hinggil sa pandaigdigang banta ng terorismo na ihahasik ng grupo ng Al Qaeda terrorist at ng mga kaalyado nitong mga lokal na terorista.
Ayon kay Lt Col. Custodio Parcon, Commander ng Marine Battalion Landing Team (MBLT)1, anim katao ang inisyal na napaulat na nasawi habang inaalam pa kung may binawian din ng buhay sa mga nasa kritikal na kondisyon.
Patuloy namang nilalapatan ng lunas ang mga nasugatang biktima na mabilis na isinugod sa pagamutan.
Sinabi naman ni Sr. Supt. Rolen Balquin, Director ng Cotabato City Police, dakong alas-4:15 ng hapon nang mangyari ang pagsabog malapit sa tanggapan ng Office of the Regional Governor ng ARMM at Cotabato Regional Medical Center na ang bomba ay sinasabing ikinabit umano sa isang XRM motorcycle na nakaÂparada sa nasabing lugar.
Ang sumambulat na bomba ay ikinapinsala rin ng walong behikulo at tatlong motorsiklo na nakaparada sa lugar.
Magugunita na noong Hulyo 26 ay naganap ang pagsabog sa Cagayan de Oro City noong nakalipas na Hulyo 26 na ikinasawi ng 8 katao habang 46 pa ang nasugatan.
- Latest