^

Police Metro

Ex-mayor, 4 ‘showbiz’ councilors kakasuhan sa Ombudsman at SC

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil umano sa kuwes­tiyonableng pag-aapruba sa reclamation ng mahi­git sa 100 ektaryang lu­pain sa Manila Bay ay na­ka­takdang kasuhan sa tanggapan ng Ombudsman at Writ of Kalikasan case sa Korte Suprema si dating Pa­rañaque City Mayor Florencio Bernabe Jr.,at mga showbiz personalities na sina City Councilors Alma Moreno, Jason Webb, Val Sotto at Roselle Nava.

Partikular na kinukuwestiyon ng mga environmental groups tulad ng Ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) ay ang Resolution No.13-026 na ipinasa ng konseho ng Parañaque na nagbibigay kapangyarihan kay Ber­nabe para pumasok sa isang Joint Venture Agreement sa AVESCO Marketing Corporation tungo sa reclamation ng 111.755 ektaryang lupain sa Manila Bay na nanganganib na masira ang kalikasan sa oras na maisulong ang proyekto.

Ang kasong kriminal naman sa Ombudsman, partikular ang paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ay dahil sa umanoy pag-abuso ng mga nasabing opisyal sa kanilang tungkulin para ma-argabyado ang pamahalaan dahil sa naturang kasunduan na magdadala ng panganib sa mga residente ng lungsod ng Parañaque.

Ang Pamalakaya ang nangungunang environmental group na naghain nang pagtutol sa mga reclamation projects sa Manila Bay.

ANG PAMALAKAYA

ANG PAMBANSANG LAKAS

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

CITY COUNCILORS ALMA MORENO

CITY MAYOR FLORENCIO BERNABE JR.

JASON WEBB

JOINT VENTURE AGREEMENT

MANILA BAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with