^

Police Metro

2 tabloid columnist todas sa tandem

Ricky T. Tulipat, Jam Krisette Nuñez - Pang-masa

MANILA, Philippines -Dalawang kolum­nista ng isang pahayagang tab­loid ang pinagbabaril ng dalawang lalaki na nakamotorsiklo habang sila ay nagkukuwentuhan sa harap ng tindahan na pag-aari ng isa sa biktima kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Namatay noon din ang mga biktimang sina Bonifacio Loreto, 47, publisher ng Aksyon Ngayon,  newspaper, residente ng Building 1, No. 0012 MRB Brgy. Com­monwealth at Ri­chard Kho, 59, executive editor, residente ng #29 BF Homes Road, Brgy. Holy Spirit, sa naturang lungsod.

Inilarawan ng mga testigo ang dalawang suspek na nakasuot ng puting t-shirt, itim na jacket, pu­ting sumbrero, at nasa 5’3” hanggang 5’5” ang taas.

Batay sa ulat, bago naganap ang pamamaril sa dalawang biktima dakong alas-11:30 ng gabi sa harap ng tindahan ni Loreto na kahabaan ng Pilot Drive malapit sa Rotary School, Brgy. Commonwealth ay kakuwentuhan ng dalawang biktima ang isang Rey Moreno nang biglang lumapit ang dalawang armadong lalaki lulan ng isang motorskilo at agad na pinagbabaril ang mga biktima.

Nang makita ng wala nang buhay ang dalawa ay agad tumakas ang mga suspek patungo sa hindi malaman na destinasyon.

Ayon sa kaanak ng isang biktima, posibleng may kinalaman ang krimen sa trabaho ng dalawa bilang ma­mahayag na siyang iim­bestigahan ng mga otoridad.

vuukle comment

AKSYON NGAYON

BONIFACIO LORETO

BRGY

HOLY SPIRIT

HOMES ROAD

QUEZON CITY

REY MORENO

ROTARY SCHOOL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with