^

Police Metro

Mukha ng CDO blast suspects inilabas: Death toll tumaas sa walo…

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inilabas na ng mga otoridad ang mukha ng mga suspek na nagbomba sa Kyla’s Bistro Bar noong Biyernes ng gabi sa Cagayan De Oro City na kasalukuyan ay tumaas na sa walong katao ang nasasawi habang 46 ang nasugatan.

Ayon kay PNP Chief Director General Alan Purisima na mayroon na silang lead sa kaso, subalit anya hindi muna nila ito isisiwalat dahil sa patuloy ang imbestigasyon at upang hindi rin mabulilyaso ang manhunt operations. 

Sa ibinigay na kumpir­masyon ng Philippine College of Physicians na ipinoste sa twitter, na­dag­dag sa talaan ng mga nasawi ang dalawa pa na sina Dr. Marciano Agustin, 47-anyos at ang medical representative na si Reynaldo Dalupan, 57, medical representative ng United Laboratories; kapwa una ng naideklarang nasa kritikal na kondisyon.

Sa cartographic sketch na inilabas ng PNP base sa pahayag ng testigong si Rube, katamtaman ang pangangatawan ng bomber na tinatayang nas 5’5” hanggang 5’6”ang taas, nakasuot ng kulay kayumangging t-shirt, pantalon, nasa 40 ang taas, tumitimbang ng 60-65 kilo at katamtaman rin ang kutis. Ang isa naman ayon sa deskripsyon ni Jake Clarino ay 5’4” hanggang 5’5” ang taas, katamtaman ang pangangatawan, naka-bull cap, nakasuot ng kulay abong t-shirt, 36-40 ang edad, tumitimbang ng 60-65 kilo at katamtaman rin ang pangangatawan. 

Sa deskripsyon naman testigong si Benjamin Belmonte, ang suspek ay 5’5” hanggang 5’6” ang taas, nakasuot ng kulay kayumangging t-shirt, 26-30-anyos, tumitimbang ng 60-65 kilo at kayumanggi ang kutis.

Ipinag-utos ni Purisima sa lahat ng mga hepe, provincial at regional director ng PNP sa buong bansa na palakasin ang intelligence gathering sa lahat ng lugar na may banta ng terorismo.

Sinabi ni Purisima na patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng pagpapasabog kabilang na ang anggulo ng personal na alitan at pananabotahe ng mga grupong tutol sa peace talks ng Moro Islamic Li­be­ration Front (MILF) at ng gobyerno.

Pinaiimbestigahan rin ni Purisima kung sino ang nag-utos na linisin ang crime scene at bakit hindi kaagad nilagyan ng ‘police line do not cross’ ang blast site kung saan hindi nai-preserba ang mahahalagang ebidensya para malutas ang kaso.

Magugunita na noong Biyernes ng alas-11:30 ng gabi ay niyanig ng pagsabog ang nasabing restobar na  matatagpuan sa Limkethai Complex sa lungsod kung saan ang sumabog na bomba ay mula sa inabandonang kulay itim na packpack ng isang lalaking nagmamadaling lumisan sa lugar.

BENJAMIN BELMONTE

BISTRO BAR

BIYERNES

CAGAYAN DE ORO CITY

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

DR. MARCIANO AGUSTIN

JAKE CLARINO

LIMKETHAI COMPLEX

PURISIMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with