Bakbakan ng 2 angkan: 10 patay
MANILA, Philippines - Sa gitna na Ramadan o panahon ng pagtitika ng mga Muslim ay sumiklab ang away ng dalawang angkan na kung saan ay nasa 10 katao na ang nasaÂsawi sa Bayang, Lanao del Sur.
Ang clan war sa pagitan ng magkalabang angkan ng Kapal at MacuÂgar ay nag-umpisa pa noong Sabado ng umaga at humupa lamang kinabukasan ng hapon.
Sa report ni Sr. Supt.Nixon Mucsan, Provincial Police Office (PPO) Director ng Lanao del Sur, anim namang kabahayan ang sinunog sa dalawang araw na bakbakan ng magkabilang panig sa Brgy. Linao, Bayang na nagresulta rin sa paglikas ng aabot sa 100 residente sa lugar sa takot na maipit sa bakbakan.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nagkrus ang landas ng mortal na magkaaway na angkan na nagresulta sa bakbakan ng mga ito.
Humupa lamang ang tensyon matapos na mamaÂgitan ang mga lokal na opisyal at magresponde sa lugar ang mga elemento ng pulisya at militar.
Sa pagsisiyasat na puliÂtika ang motibo ng bakbaÂkan matapos na isa sa angkan ng mga Macugar ang matalo noong nakalipas na May 2013 local elections na pinararatangan ang angkan ng mga Kapal ng pandaraya.
- Latest