^

Police Metro

“Severe dehydration” ikinamatay ng 2 batang natagpuan sa kotse

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Sa inisyal na resulta ng otopsiya ng National Bureau of Investigation (NBI) sa bangkay ng dalawang bata na natagpuang patay sa loob ng kotse sa Taguig City simula nang mawala ng may apat na buwan ay “severe dehydration”.

Ito ang sinabi kahapon ni Southern Police District (SPD) Director Jose Erwin Villacorte  kaya’t lumakas ang teorya na sadyang nakulong sa kotse ang mga biktima at nasawi dahil sa walang mainom na tubig at makain.

Subalit, sinabi ni Villacorte na inisyal na resulta pa lamang ito at nasa isang linggo pa bago makuha ang buong resulta ng otopsiya.

Magugunita na ang bangkay ng dalawang bata na sina Dayne Buenaflor, 4 at James Naraga, 3 ay na­dis­kubre sa loob ng itim na 190 E Mercedez Benz (UGX-606) na kotse sa compound sa tapat ng ba­rangay hall ng Brgy. Wawa sa naturang lungsod na malapit lang sa bahay ng mga ito.

Hinihinala rin ni Taguig City Police chief, Sr. Supt. Arthur Felix Asis na walang senyales na nagkaroon ng karahasan sa loob ng sasakyan dahil suot pa rin ng mga paslit ang kanyang damit nang mawala sila noong Marso 27 kaya’t posibleng anggu­lo ng “freak accident” o pag­kakulong ng mga paslit dahil sa may “automatic child lock” ang kotse.

ARTHUR FELIX ASIS

DAYNE BUENAFLOR

DIRECTOR JOSE ERWIN VILLACORTE

E MERCEDEZ BENZ

JAMES NARAGA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SOUTHERN POLICE DISTRICT

SR. SUPT

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with