^

Police Metro

2 NPA rebels nasawi

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Naka-engkuwentro ng tropa ng pamahalaan ang 6 miyembro  ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na nango­ngotong sa mga residente sa lalawigan ng Albay at dito ay napatay ang dalawa naganap kahapon ng umaga.

Batay sa ulat, dakong alas-6:45 ng umaga ay nagsasagawa ng security patrol ang mga sundalo nang makatanggap ng report hinggil sa pangi­ngikil ng anim na armadong rebelde sa mga residente  ng Brgy. Badbad, Oas, Albay.

Agad na nagresponde sa lugar ang mga sundalo kung saan nagkaroon ng  5 minutong putukan sa pagitan ng magkabilang panig at dito ay napatay ang dalawang rebelde  na kinilala sa mga alyas na Ka Dennis, lider ng mga nangongotong na rebelde at isang alyas Ka Peter.

Narekober din sa pi­nangyarihan ng engkuwentro ang dalawang M16 rifles, bandoleers  at mga personal na kagamitan.

vuukle comment

ALBAY

BADBAD

BATAY

BRGY

KA DENNIS

KA PETER

NAKA

NEW PEOPLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with