Itinakas ng Ozamis Group sa Cavite noong Pebrero… mag-asawang Chinese drug lord nadakip
MANILA, Philippines - Matapos ang halos limang buwang pagtatago sa batas ay muling naaresto ng mga otoridad ang mag-asawang Chinese drug lord na kabilang sa tatlong Chinese drug lord na itinakas ng 14 armadong miyembro ng Ozamis robbery/holdup gang sa GeÂneral Trias, Cavite noong Pebrero sa follow-up ope-rations sa San Juan City kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang mga nadakip na sina Li Lan Yan alyas Jackson Dy at asawa nitong si Wang Li.
Nadakip ng mga opeÂratiba ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP CIDG) NCR ang mag-asawa pasado ala-1:00 ng madaling-araw sa kanilang hideout sa #311 A, M. Infanta St, Infanta Subdivision, Little Baguio, San Juan City kung saan sila nagtago simula pa noong Marso.
Ang mag-asawa, ay una na ring naaresto noong taong 2003 sa nadiskubreng shabu laboratory sa Tanza, Cavite at Parañaque City matapos na mahulihan ng 350 kilo ng droga na nagkakahalaga ng P2.8 bilÂyon at kasamang naaresto si Li Tian Hua.
Subalit, noong Pebrero 20 ay pwersahang itinakas ng 14 armadong lalaki ang mga suspek habang patuÂngo sa Trece Martires Regional Trial Court (RTC) para sa isang pagdinig.
Simula nang naitakas ang mag-asawa, sinasabing nagbalik ito sa kanilang opeÂrasyon sa ilalim ng isang drug syndicate, hangÂgang sa muli silang maÂaresto kahapon.
Nabatid na P5 milÂyon ang ibinayad sa OzaÂmis group para itaÂkas ang daÂlawang high-value drug targets.
Inamin ni Dy na isang miyembro umano ng grupo ang bumisita sa kanya sa Cavite provincial jail at nag-alok ng escape plan kapalit ng naturang malaÂking halaga.
Sa kasalukuyan ay walo na sa 14 na suspek na sangkot sa pagtakas ang naaresto at patuloy na pinaghahanap ang anim na iba pa kabilang ang isang Ramil Soler na siya umanong tumanggap ng bayad. Ang mag-asawa ay ikukulong sa Camp Crame habang pinaghahanap pa si Hua.
- Latest