^

Police Metro

Pagkatapos ihatid ang anak… Pulis tinodas sa eskwelahan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippine s- Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang aktibong miyembro ng pulisya nang ito ay barilin sa loob ng compound ng eskwelahan ng anak habang isang mag-aaral na  batang lalaki ang nasugatan dahil sa tama ng ligaw na bala naganap ka­hapon ng umaga sa Padre Garcia, Batangas.

Ang nasawing bikti­ma ay kinilalang si PO2 Dominic Bituin, nakatalaga sa Police Special Ope­rations Group (PSOG) ng Batangas Provincial Police Office (PPO).

Si Bituin ay nagtamo ng tama ng bala ng cal 9 MM pistol sa ulo.

Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang nasu­gatang si  John Rio Catibog, 8-anyos, Grade II pupil na tinamaan ng bala sa dibdib.

Batay sa ulat, bandang alas-6:40 ng umaga ay inihatid ni PO2 Bituin ang kaniyang anak sa Padre Garcia  Central School sa Poblacion nang pumasok sa compound ang isang suspek na nakasuot ng kulay abong damit na agad nagbunot ng baril at malapitang binoga sa ulo ang target na pulis kung saan nadamay ang batang si Catibog nang matamaan ng ligaw na bala.

Tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng Lipa City habang patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng pagpatay sa pulis.

vuukle comment

BATANGAS

BATANGAS PROVINCIAL POLICE OFFICE

CENTRAL SCHOOL

DOMINIC BITUIN

JOHN RIO CATIBOG

LIPA CITY

PADRE GARCIA

POLICE SPECIAL OPE

SI BITUIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with