Mga pulis inarmasan ni P-Noy
MANILA, Philippines -Inarmasan kahapon ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang mga pulis na walang service firearms nang ipamahagi nito ang may 22,603 units ng makabagong Glock 17 Generation 4 pistols sa PNP Headquarters sa Camp Crame.
Ayon kay PNP Chief Director General Alan PuÂrisima, ito ang pinakamaÂlaking gun deal na pinasok ng PNP sa mga nakalipas na taon para mapunan na 100% ang 1:1 ratio o tig-isang service firearms para sa 148,000 miyembro ng PNP.
Sa tala ng PNP, nasa 73,797 lamang ang service firearms ng PNP na naipamahagi sa mga pulis kaya halos kalahati sa mga alagad ng batas ay walang sariling mga baril sa kabila ng panganib na dala ng kanilang tungkulin para pairalin ang kapayaÂpaan at protektahan ang mamamayan.
Prayoridad sa pamamahagi ng nasabing mga bagong handguns ng PNP personnel na nakaÂdestino sa mga urban centers at mga pangunahing tourist destinations kabilang ang 254 graduates ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class 2013 at tanging mga personnel na nakapasa sa proficiency test o kailangang asintado sa pagbaril ang kuwalipikadong isyuhan ng Glock 17 pistol.
Dahil nakatipid ang PNP ng P200M mula sa pagbili ng 59,904 handguns na nagkakahalaga ng P998M mula sa P1.2 bilÂyong outlay mula sa Office of the President ay nakaÂbili pa ng karagdagang 12,000 mga baril kaya umaabot na sa 74,879 mga baril ang nabili para mapunan ang kakulangan sa service firearms ng mga pulis. Ang bawat isang Glock pistol ay nagkakahalaga ng P16,594.94.
- Latest