Jeep vs tren: 4 sugatan
MANILA, Philippines -Sinalpok ng tren ng Philippine National Railways (PNR) ang isang pamÂÂpasaherong jeep na ikinasugat ng apat katao naganap kamakalawa ng gabi sa Beata Railroad sa Pandacan, Maynila.
Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Rosario Dela Cruz, 81; Aron Jayson Victoria, 15; Henry Baltogay, 28, at Carmelita Cruz, 69.
Sa salaysay ng ilang pasahero na dumiretso ang kanilang jeep dahil sa walang bantay ang PNR kaya’t hindi naibaba ang harang na nagbibigay ng signal sa mga motoÂrista kung may darating na tren.
Sinisi rin ng ilang paÂsahero ang driver ng jeep na si Ernesto Luna sa sobÂrang lakas ng pagpapatugtog nito ng radyo kaya’t hindi umano narinig ang busina ng dumarating na tren.
Tumakas ang operator ng tren na si Boy Ramos habang kinuyog ng mga tao ang makinista ng tren na si Richmond Itay at ang assistant operator na si Angelo Coldas.
- Latest