Kawani ng MMDA nagbigti dahil sa hirap ng trabaho
MANILA, Philippines - “Mahirap magtrabaho sa government, Gutomâ€.
Ito ang umano’y iniÂwang suicide note ng bikÂtimang si Alfredo Jader, 50-anyos, may-asawa, heavy equipment operator II, sa ilalim ng Flood Control and Sewerage Management Office (FCSMO) ng MMDA Pumping Station sa MMDA pumping compound, ArÂroceros, Ermita matapos itong natagpuang nakabigti kaÂhapon ng umaga sa loob ng pinapasukan.
Batay sa ulat, dakong alas-5:26 ng umaga nang madiskubreng nakabitin ang wala nang buhay na biktima sa loob ng nasabing pumping staÂtion.
Sa salaysay ng isang Eddie Ambag, pump opeÂrator II, maagang dumating ang biktima upang relyebuhan siya at nagtatanong pa umano kung may alam na lubid, na hindi naman umano niya pinansin.
- Latest