^

Police Metro

Misis utas sa 40x saksak ng mister

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Lumuwa ang bituka at hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 32-anyos na misis nang  ataduhin ng saksak ng kanyang adik na mister matapos ang mainitang pagtatalo kahapon ng umaga sa Sitio Pintong Gubat, Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite.

Ang nasawi ay kinila­lang si Anna Maria Reyes, residente ng #329 Sitio Pintong Gubat, ng nasabing barangay. Habang agad din nadakip ang mister nitong si Sonny Reyes, 34, driver.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:45 ng umaga ay bangag umano sa ipinagbabawal na gamot ang suspek nang dumating ito sa kanilang bahay at walang kadahilanang inaway nito ang misis.

Naging mainit ang pagtatalo ng  mag-asawa hanggang sa napikon ang suspek at kumuha ng patalim at pinagsasaksak ng maraming beses ang misis na naging dahilan para lumabas ang bituka nito.

Mabilis namang nai­tak­bo sa University Medical Center Hospital ang biktima, subalit dahil sa tinamong mga saksak na umabot sa 40 beses sa katawan ay namatay din ito.

vuukle comment

ANNA MARIA REYES

CAVITE

DASMARI

HABANG

LUMUWA

SITIO PINTONG GUBAT

SONNY REYES

UNIVERSITY MEDICAL CENTER HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with