^

Police Metro

Binata, todas sa bugbog ng mag-ama!

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Binata, todas sa bugbog ng mag-ama!
Batay sa report, dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si alyas “Ballesteros”, rider, ng Lower Bernardo, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City habang agad na nadakip ang suspek na si alyas “Cabatan”, 22, binata at tinutugis ng pulisya ang ama nito na si alyas “Rommel”; kapwa construction worker, ng Magsaysay St., Brgy. Pasong Tamo ng nabanggit na lungsod.
STAR / File

Pamangkin sinampal, ipinatanggol

MANILA, Philippines — Patay ang isang 33-anyos na binata matapos pagtulu­ngang bugbugin ng isang mag-ama nang ipagtanggol nito ang kaniyang menor-de-edad na pamangkin sa Quezon City.

Batay sa report, dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si alyas “Ballesteros”, rider, ng Lower Bernardo, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City habang agad na nadakip ang suspek na si alyas “Cabatan”, 22, binata at tinutugis ng pulisya ang ama nito na si alyas “Rommel”; kapwa construction worker, ng Magsaysay St., Brgy. Pasong Tamo ng nabanggit na lungsod.

Sa imbestigasyon ni PStaff Sgt. Prince Joy Rivera ng Quezon City Police District (QCPD) Holy Spirit Police Station (PS-14), naganap ang insidente alas-9:30 ng gabi noong Nobyembre 8 sa Freedom St. ng nasabing barangay.

Bago ang insidente, kinompronta ng biktima ang binatilyong kapatid ng suspek na si Cabatan na sumampal sa kanyang pamangkin. Nagsumbong ang binatilyo sa mag-amang suspek hanggang sa mauwi sa suntukan kung saan natalo si Cabatan at kumuha ng kahoy.

Dito na pinagpapalo ng kahoy at pinagsusuntok ng mga suspek ang biktima hanggang sa mamatay.

Inihahanda na ang kaso laban kay Cabatan habang tinutugis pa ang nakatakas na amang si Rommel.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with