15 pampaputi nakakalason – EcoWaste
MANILA, Philippine s-Nakakalason umano ang 15 uri ng pamputi ng balat na nagkalat sa merkado dahil nagtataglay ng mataas na antas ng mercury na labis na mapanganib sa kalusugan.
Sinabi ng EcoWaste Coalition, gawa o galing sa bansang Taiwan, Hongkong at Mainland China ang 15 skin whitening creams na may mercury at nabibili sa ilang Chinese drug stores sa Maynila at Quezon City.
Ito ay ang Yudantang Ginseng and Green Cucumber 10 Days Whitening Speckles Removed Essence; Yudantang 10 Specific Eliminating Freckle Spot and Double Whitening Sun Block Cream; Beauty Girl Egg White and Tomato 6 Days Specific Eliminating Freckle Whitening Cream; Natural Orange Whitening and Anti-Aging Package; HengxueÂqian Whitening Set; S’Zitang 10 Days Eliminating Freckle Day and Night Set; S’Zitang 7 Days Specific Eliminating Freckle AB Set; Bai Li Tou Hong Cream; Jiaoli 7 Days Eliminating Freckle AB Set; Gemli Glutathione Hydrolyzed Collagen; Gemli Glutathione Grapeseed Extract Whitening and Anti-Aging; Gakadi; “Special Cream†(1 jar); One proÂduct labeled in Chinese characters with red flower and green leaves; at Aichun Beauty Aloe Vera Whitening and Speckle Removing Series. Nabili ng EcoWaste mula sa halagang P80 hanggang P320 ang mga nabanggit na mga produkto sa ilang foreign drug stores na matatagpuan sa Binondo, Divisoria, Quiapo, Sta. Cruz sa Manila at sa Cubao, Quezon City.
- Latest