^

Police Metro

Senatoriables kumita sa election

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa halip na gumastos ay kumita pa ang ilang senato­rial can­­didates na lumahok sa na­kalipas na mid-term elec­tion.

Ito ang natuklasan ng pamunuan ng Commission on Election (COMELEC) matapos na isumite ng mga senatorial candidates ang kani-kanilang mga Statement of Elections Contributions and Expenditures (SECE) ng mga lumahok sa katatapos na halalan.

Base sa kopya na  ibinahagi ng COMELEC, lumalabas na kumita si Senator elect Nancy Binay ng P8-milyon mula sa campaign contributions na tinanggap nito na kabuuang P136,869,398.78  ay P128,695,057.10 lang ang ginastos para sa kampanya.

Si Bam Aquino ng Team PNoy ay kumi­ta ng P1.1 milyon, P125,­­493,000.00 ang ka­­bu­uang contribution na tinanggap nito ngunit P124,327,987.81 lang ang gi­nastos sa kampanya.

Kahit natalo sa hala­lan, kumita rin ang inde­pendent candidate na si Ramon Montaño mula sa tinanggap nitong contributions. Kumita pa ito ng P5 milyon dahil P1,383,000.00 lang nagastos nito sa kampanya gayong tumanggap ito ng kabuuang P6,629,175.00 na kontribusyon.

Kapansin-pansin naman ang mahigit P39 mil­yon na ginastos ni Jamby Madrigal at walang ti­nanggap na kontribusyon at natalo sa nakalipas na mid-term election.

Wala ring tinanggap na contribution sina Ricardo Penson, Samson Alcantara at Christian Señeres.

Gumastos si Penson ng P19,698,760.45, si Alcantara ay P344,459.07  habang P338,205.24 si Señeres.

Si Cynthia Villar ay gu­mastos naman ng P133,­979,127.25 sa kampanya habang tumanggap naman P2,613,454.41 na kontribusyon.

Kaugnay nito ay sinabi ni COMELEC Chairman Sixto Brillantes na maaa­ring angkinin ng mga kandidato ang hindi nagastos na donasyon dahil itinuturing na kita nila kaya papatawan ito ng buwis ng gobyerno.

 

vuukle comment

CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

CHRISTIAN SE

JAMBY MADRIGAL

NANCY BINAY

RAMON MONTA

RICARDO PENSON

SAMSON ALCANTARA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with