^

Police Metro

Kawani ng munisipyo tinodas ng NPA

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng 14 kalalakihan na mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang kawani ng munisipyo na bagong gising kamakalawa sa Brgy. Calabad, Dimasalang, Masbate.

Ang nasawi ay kinilalang si Romar Afable, 32-anyos, casual employee ng munisipyo ng Dimasalang na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang ba­hagi ng katawan.

Sa imbestigasyon, dakong alas-6:00 ng umaga nang magtungo ang mga rebelde sa bahay ng biktima sa nasabing lugar at natiyempuhan ang biktima na noo’y kagigising lamang at naghahanda para pumasok sa trabaho nang ito ay pagbabarilin.

Bago tuluyang tumakas ay  nilapitan ng mga armadong suspek ang biktima saka muling pinagbabaril upang makasigurong patay na ang target.

BIKTIMA

BRGY

CALABAD

DIMASALANG

MASBATE

NEW PEOPLE

PINAGBABARIL

ROMAR AFABLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with