“Takbo-sabado sa CCP”
MANILA, Philippines -Magkakaroon ng limang linggong preparasyon para sa mga sasali ng Manila Bay Clean Up Run at iba pa’ng mahilig tumakbo sa pamamagitan ng isang running clinic na tinaguriang “Takbo-Sabado sa CCP.
Ito’y gaganapin sa HunÂyo 8, 15, 22, 29 at ika-6 ng Hulyo, sa ilalim ng pagtangkilik ng Manila Broadcasting Company - DZRH, at pakikipagtulungan Run4Change Inc at FUNd Racing Team.
Tuwing Sabado, iba’t iba ang tatalakayin gaya ng fitness development, hydration, injury prevention, lifestyle modification, at secrets to running success.
Inaasahang pagkatapos ng Takbo-Sabado sa CCP running clinic, higit na marami ang sasali sa Manila Bay Clean Up Run ng MBC na gaganapin sa ika-14 ng HulÂyo, kasabay ng ika-74 aniÂbersaryo ng DZRH. Maari na’ng magpa-reghistro sa 3-km, 5-km, 10-km at 21-km runs sa MBC lobby, o di kaya sa ROX Global City, Planet A Sports sa Trinoma, at Athlete’s Foot sa Alabang Town Center. Para sa karagdagang kaalaman ukol sa Takbo-Sabado sa CCP, tumawag kina Cyrille Cupino o Aly Narvaez sa DZRH hotline 832.6116 / 6117.
- Latest



















