Babala ng Ecowaste... Bota at kapote may lason
MANILA, Philippines - Nagbabala ang grupo ng Ecowaste sa publiko, partikular sa mga magulang na maging maingat sa pagbili ng mga produkto na panangga sa ulan, tulad ng bota, payong at kapote para sa kanilang mga nag-aaral na anak dahil sa pagkakaroon umano ng panganib sa kalusugan.
Ayon sa EcoWaste CoaÂlition, natuklasan nila na 23 sa 33 rainwear mula sa Divisoria ay positibo sa lead o admium na brain toxicant at cadmium na isang human carcinogen.
Nakita umano ang nasabing mapanganib na kemikal sa pamamagitan ng X-Ray Fluorescence (XRF) spectrometer na siyang ginamit para masuri ang mga ito.
Ang mga naturang produkto ay nagtataglay ng mataas na antas ng lead at cadmium, na parehong kabilang sa listahan ng “Ten Chemicals of Major Public Health Concern†ng World Health Organization (WHO).
Kabilang sa mga sinuri ng EcoWaste ay 25 raincoats, limang payong at tatlong pares ng bota, na nabili ng grupo nitong Hunyo 1 sa halagang P50 hanggang P250 bawat isa sa mga kilalang shopping mall sa Divisoria na kinabibilangan ng 11/88 Shopping Mall, 168 Shopping Mall, 999 Shopping Mall at Tutuban Prime Block Mall.
Ayon kay Aileen Lucero, Acting National Coordinator ng EcoWaste Coalition, ang mga naturang kemikal kapag na-absorb ng katawan ng isang paslit sa pamamagitan ng paglunok, paglanghap o pagsisipsip ng balat mapangaÂnib sa kanilang kalusugan, partikular na sa utak at maaari ring maging sanhi ng kanser.
- Latest