^

Police Metro

Natulog sa riles ng MRT... Taong grasa dedo sa tren

Mer Layson, Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang isang lala­king taong grasa nang mahagip ng tren ng Metro Rail Transit (MRT) matapos itong matulog sa riles sa southbound lane pag­lagpas ng Magallanes station sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Bunsod nito, kinaila­ngang isarado sa publiko ang MRT-Magallanes at naapektuhan ang mga biyahe ng mga tren.

Ayon kay MRT Gene­ral Manager Atty. Al Vitangcol III, tanging ang biyahe mula North Avenue station sa Quezon City hanggang Shaw Boulevard sa Mandaluyong City lamang muna at pabalik ang gumana habang isinasagawa ang imbestigasyon sa insidente.

Sa pahayag ni Vitangcol, nabatid na dakong alas-5:00 ng madaling araw kahapon nang maganap ang insidente, kung kailan kasisimula pa lamang ng kanilang operasyon.

Ani Vitangcol, namataan umano ng unang tren ng Taft Avenue station ang biktima na nakahiga sa riles ng tren at natutulog.

Nang maalimpungatan umano ang biktima sa pagdating ng tren ay tumayo ito ngunit huli na, dahil nahagip na ito ng tren at kaagad na binawian ng buhay.

Bigo naman ang mga awtoridad na kilalanin ang biktima dahil walang nakuhang dokumento sa kanyang katawan.

Inamin rin ni Vitangcol na walang Closed Circuit Television (CCTV) camera sa pinangyarihan ng insidente kaya hindi pa alam kung papaano nakapasok sa loob ng riles ng MRT ang biktima.

vuukle comment

AL VITANGCOL

ANI VITANGCOL

CLOSED CIRCUIT TELEVISION

MAGALLANES

MAKATI CITY

MANAGER ATTY

MANDALUYONG CITY

METRO RAIL TRANSIT

NORTH AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with