1,780 estudyante sa kolehiyo napaaral ng libre ni VM Joy B
MANILA, Philippines -Umaabot sa 1,780 mag-aaral ang napagtapos ng tanggapan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte sa ilaÂlim ng Commission on Higher Education (CHED) Special Study Grant Program as of February 11, 2013.
Ayon kay Vice Mayor Belmonte, ang naturang mga benepisyaryo ng programa ay mga deserving students na nagmula sa mga mahihirap na pamilya na patuloy na kinakalinga ng tanggapan.
Sa District 1 ay may 309 students ang nakinaÂbang sa programa, 875 sa district 2, 5 at 6, 296 mag-aaral ang nabenepisÂyuhan sa district 3 at 300 sa district 4.
Sinabi ni Belmonte na mula nang maupo siya bilang bise alkalde ng QC noong 2010 hanggang sa kasalukuyan ay ipagpapaÂtuloy ang nasiÂmulang programang pang edukasyon sa mga less fortunate na kabataan upang makapagtapos ang mga ito sa pag-aaral at magamit nang edukasÂyong sa pagbangon nila sa buhay.
- Latest