^

Police Metro

Kandidatong Chairman, pinatay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippine s- Isang retiradong tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na kandidatong Barangay Chairman sa Baseco, Port Area, Maynila ang pinagbabaril hanggang sa mapatay sa harap ng kanyang bahay kahapon ng madaling araw.

Nagtamo ng anim na tama ng bala, isa sa batok, dalawa sa kanang kamay, tatlo sa dibdib ang biktimang si  Domingo Ramirez Jr.,  51 anyos, residente ng Row 2, Unit 910,  Block 6,  Habitat,  Baseco Compound, Port  Area, Maynila, na isinugod sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JASGH) pero hindi na umabot ng buhay.

Ayon kay SPO1 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4:20 ng mada­ling-araw nang maganap ang insidente sa harap ng bahay ng biktima.

Habang nakaupo ang biktima ay sinorpresa ito ng isang hindi pa nakikilalang salarin na armado ng kalibre .45  baril at sunod-sunod na pinagbabaril.

 â€œMabait naman daw yung biktima, tahimik na tao sa kanilang lugar at wala namang kaaway at sabi nga nila  tatakbong barangay chairman sa darating barangay election sa Baseco,”ayon kay  Balinggan.

Hinala ng mga mahal sa buhay ng biktima na may kaugnayan sa planong pagtakbo bilang barangay Chairman ng biktima ang motibo ng krimen.

Nagsasagawa pa ng ma­susing pagsisiyasat ang pulisya upang matukoy at madakip ang salarin.

BARANGAY CHAIRMAN

BASECO

BASECO COMPOUND

DOMINGO RAMIREZ JR.

JUSTICE JOSE ABAD SANTOS GENERAL HOSPITAL

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MILBERT BALINGGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with