QC, handa na sa tag-ulan – Joy B
MANILA, Philippines - Handa na ang Quezon City government sa panahon ng tag ulan.
Sa isang panayam, sinabi ni QC Vice Mayor Joy Belmonte, nagsagawa na ng declogging ng mga estero at kanal ang mga tauhan ng QC hall at nagpatupad ng riprapping upang maiwasang maaÂpektuhan ng pagbabaha ang mga taga lunsod laluna yaong nakatira malapit sa ilog.
Gayundin ay pinaliliÂpat na sa mas ligtas na lugar ang mga nakatira sa mga danger zones upang maprotektahan ang kanilang mga pamilya sa panahon ng tag ulan.
Inanunsiyo din ni Belmonte na may nakalaan na ding programa ang lokal na pamahalaan laban sa sakit na dengue na kalimitang sumisingaw tuwing tag-ulan.
Sinabi ni Belmonte na sapat naman ang pondo ng pamahalaan na inilaan para sa kampanya laban sa sakit na dengue.
Tinagubilinan naman ni Aldrin Cuna, executive assistant ni QC Mayor Herbert Bautista ang mga residente na maging malinis lamang sa kanilang mga bahay at paligid upang makaiwas na mapamugaran ng lamok na may dalang dengue ang lugar.
Tanging kalinisan lamang anya sa paligid ang susi para makaiwas na mabiktima ng dengue.
- Latest