Senglot umakyat sa poste, nakuryente
MANILA, Philippines - Ang pagpapasikat ng isang lasing na lalaki sa pag-akyat sa poste ng kuryente ang naging dahilan ng kamatayan nito nang sumabit ang katawan sa nakalaylay na kawad sa Quiapo, Maynila, kaÂhapon.
Ang nasawi ay nakilalang si Ariel Albano, 46, helper, residente ng Evangelista St., Quiapo, Maynila.
Sa imbestigasyon, dakong alas- 3:00 ng hapon ay pauwi na ang biktima na galing sa isang inuman nang magpasikat ito sa mga taong nagdaraan sa pamamagitan nang pag-akyat sa poste.
Habang umaakyat ay nasabit ito sa nakalaylay na kawad at nangisay at nalaglag na naging dahilan ng kamatayan.
- Latest