Walang maiiwan sa Bagong Pilipinas - Bro. Eddie
MANILA, Philippines - Sa pagtatapos ng kampanya idineklara ni Bangon Pilipinas senatorial candidate Bro. Eddie Villanueva ang muling pagbangon ng Bagong Pilipinas na magbibigay ng maunlad na kabuhaÂyan sa mahihirap lalo na iyong mga nasa marginaÂlized sector.
“On May 13, a new Philippines will awaken, a country full of hope, dreams and aspirations for our fellowmen. As our campaign ends, let us reiterate our call since we launched our campaign: while our country continues its push towards economic development, let no one be left behind,†wika ni Bro. Eddie.
Idinagdag pa ni Bro.Eddie, “We have fought the good fight and we are about to finish this race. I thank the Lord for giving me the opportunity to reach out to our fellow Filipino to explain our platform. We sought to stage a clean campaign free of intimidation and intrigues against our rivals. I thank the Lord He has granted us that.â€
Nakatakdang isagawa ng Bangon Pilipinas ang miting de avance sa Quezon Memorial Circle ngayong araw na mag-uumpisa sa ganap na alas-4:00 ng hapon.
Magiging star studded ang nasabing miting de avance na dadaluhan ng mga artista na naniniwala sa plataporma ni Bro.Eddie sa pag-upo nito sa Senado.
Kabilang sa mga daÂdalong artista ay sina Gary Valenciano at anak nitong si Paolo, Jericho Rosales, Aiko Melendez, Ogie Diaz, Jim Paredes, Fanny Serrano, Jose and Willy, Gene Padilla, Bayani Agbayani, Jimmy Santos, Anthony Roquel, AKA Jam at Ruther Urquia.
Bukod sa mga artista ay dadalo din ang mga lider ng iba’t ibang sectoral groups mula sa urban poor, transportations groups, mangingisda, vendors, estudyante, persons with disabilities, senior citizens at overseas Filipino workers.
- Latest