^

Police Metro

MM, Luzon sinakmal ng blackout

Joy Cantos, Danilo Garcia - Pang-masa

Limang araw bago ganapin ang midterm election sa Lunes ay sinakmal ng blackout ang Metro Ma­nila at karatig lala­wi­gan sa Luzon makaraang mag-shut down ang limang power plant ng Na­tional Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sa inisyal na ulat  ang limang power lines na pag-aari ng mga pribadong kum­panya ay nag-bogged down sa iba’t ibang bahagi ng Luzon.

Inaalam na ang lokas­yon ng mga pri­badong power plant na bumagsak at una ng hinihinalang nagkaroon ng over­loading kung saan 40% sa buong Luzon ang walang supply ng kur­yente.

Kabilang sa mga tina­maan ng blackouts ay ang Metro Manila, Laguna, Cavite at Batangas na nag-umpisa dakong alas-2:00 ng hapon.

Nabatid na nag-tripped off ang 600 megawatt Sual Plant sa Pangasinan na nakaapekto sa iba pang mga planta  na nasa 3,700 megawatt.

Sinabi naman ni Meralco External Communications Head Joe Zaldarriaga
na nakikipag-ugnayan na sila National Grid Corporation of the Phi­lippines (NGCP) para ala­­min ang sanhi ng ka­ku­­langan ng suplay sa
kur­yente.

Hindi naman kumbinsido na may kinalaman sa May 13 midterm elec­tions ang pangyayari.

Maging ang operas­yon ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 at Line 2 ay
naapektuhan din ng massive power failure at nag­deklara ng code red.

Ayon kay LRT spokesman Hernando Cabrera, dakong alas-2:45 na nang
magbalik ang operasyon ng LRT Line 2 at di katagalan naman nang maging
normal ang operasyon ng LRT Line 1.

GRID CORPORATION OF THE PHILIPPINES

HERNANDO CABRERA

LIGHT RAIL TRANSIT

LUZON

MERALCO EXTERNAL COMMUNICATIONS HEAD JOE ZALDARRIAGA

METRO MA

METRO MANILA

NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with