^

Police Metro

Nagreklamo kay Rep. Banal ng ‘vote buying’ umatras

Pang-masa

MANILA, Philippines - “Hindi ko po naiintindihan ang pinapirmahan sa akin. Hindi ko po alam na ang irereklamo ko ay si Rep. Banal. Kaya para sa kapanatagan ng kalooban ko ay iniuurong ko na ang aking reklamo.”

Iniurong ngayon sa Commission on Elections (Comelec) ang reklamong vote-buying laban kay 3rd District Representative Jorge “Bolet” Banal, matapos bawiin ng nagreklamo ang kanyang mga akusasyon, na aniya ay “isinubo” lang umano sa kanya ng mga kalaban ni Banal.

Pinilit lang umano si Danilo B. Florano, Jr, ng Kalye Bautista, Barangay Pansol ng pamilya ng kalaban ni Banal na ireklamo ang huli sa Comelec dahil sa proyekto nitong libreng gamit-eskwela sa National Bookstore.

Katuwang ni Banal ang Pamahalaang Lungsod ng Quezon at ang good governance advocacy group na Kaya Natin sa pamamahagi ng mga gift vouchers na ito para sa mga mag-aaral ng public schools noong Marso, bago sumapit ang itinakdang ban ng Come­lec.

Personal na nagsadya si Florano sa tanggapan ni Banal sa Quezon City Hall, matapos umanong mabagabag sa kanyang ginawa, at humingi ng tulong upang bawiin ang “gawa-gawang” reklamo.

BARANGAY PANSOL

COMELEC

DANILO B

DISTRICT REPRESENTATIVE JORGE

FLORANO

KALYE BAUTISTA

KAYA NATIN

NATIONAL BOOKSTORE

PAMAHALAANG LUNGSOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with