^

Police Metro

2 biktima ng salvage natagpuan sa abandonadong bahay

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa umalingasaw na baho ay natuklasan ng mga residente ang bangkay ng dalawang lalaki, na sinasabing biktima ng salvage sa ilalim ng kama ng isang abandonadong bahay sa Marikina City kamakalawa ng gabi.

Inilarawan ng mga otoridad ang isa na  may tattoo ng sapot ng gagamba at nakasuot ng short
pants at puting t-shirt na may nakasulat na pangalang Andi San Martin, habang ang isa naman ay  may katabaan ang pangangatawan at nakasuot ng kulay itim na jersey at short pants.

Ang dalawang lalaki ay kapwa binusalan ng panyo ang bibig at nakatali ng nylon cords ang mga kamay nito na pinatay sa pamamagitan ng pagsakal.

Sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng mga biktima sa ilalim ng kama sa
isang abandonadong bahay sa Malunggay St., Barangay Tumana, ng lungsod.

Nabatid na isang text message ang natanggap ng mga pulis mula sa isang concerned citizen na siyang nag-imporma sa kanila hinggil sa pagkakatagpo ng mga bangkay.

 

ANDI SAN MARTIN

BANGKAY

BARANGAY TUMANA

DAHIL

INILARAWAN

ISANG

MALUNGGAY ST.

MARIKINA CITY

NABATID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with