^

Police Metro

Kabuhayan ng mangingisda iaangat ni Bro. Eddie

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isa sa programa na itu­tulak ni Bro. Eddie Villa­nueva sa Senado ay ang pang-angat ng kabuhayan ng mga nasa margina­lized sector o yung mga pi­nakamahirap tulad ng mga mangingisda.

Sa pagbisita kahapon ng alas-8:00 ng umaga ni Bro. Eddie sa Market 3 ng Philippine Fisheries Deve­lopment Authority (PFDA) Compound sa Navotas City  ay kanyang personal na kinausap ang mga mangi­ngisda at vendors.

Dito ay inalam ni Bro.Eddie ang mga pangarap, inaasam na pag-asa at nais nila na mangyari sa pamahalaan at sa mga lider upang sa ganun ay ma­laman ang kanilang mga pangangaila­ngan at mapabuti ang gaga­wing paglilingkod para sa kanila.

Ipinaliwanag din ni Bro. Eddie ang kanyang plataporma para sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga  “na sagigilid” hindi lang yung mga mayayaman ang patuloy na umuunlad ang kabuhayan.

“Bagama’t umangat ang ekonomiya ng bansa ay hindi pa rin nagbabago ang poverty rate dahil sa hindi nararamdaman ng mga mahihirap ang pag-angat ng kanilang kabuhayan”, wika ni Bro. Eddie

Ipinaliwanag ni Bro. Eddie, na isa din ekono­mista na dapat ang ekonomiya ng bansa  ay masigla at hindi ito pili kundi kasama sa pag-unlad ng kabuhayan ang lahat tulad ng mga mangi­ngisda sa Navotas na kanyang gagawin kapag nasa Senado na siya.

“We need to focus our economic legislative agenda on industrial development by creating an industrial backbone based on agricultural modernization and manufacturing,” pagwawakas ni Bro. Eddie.

 

BRO

EDDIE

EDDIE VILLA

IPINALIWANAG

NAVOTAS CITY

PHILIPPINE FISHERIES DEVE

SENADO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with