^

Police Metro

Habang nangangampanya… Councilor bet todas sa heat stroke

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Isang re-electionist na konsehal ang nasawi matapos itong ma-heat stroke habang nangangampanya sa kainitan ng sikat ng araw kamakalawa sa bayan ng Binalonan, Pangasinan.

Ang biktima na bina­wian ng buhay sa ospital ay nakilalang si Rafael Le­gaspi Sr.

Batay sa ulat, katanghaliang tapat ay nanga­ngampanya ang biktima nang bigla itong makaramdam ng pananakit ng ulo at pagsisikip ng dibdib na nahirapang huminga kaya nagdesisyong umuwi ng kanilang bahay upang magpahinga.

Pagdating sa kanilang bahay ay nagsuka ito ng dugo na bagaman nagawa pang maisugod sa pagamutan ay binawian ng buhay.

Si Legaspi ay nanilbihan bilang Pangulo ng Liga ng mga Barangay sa loob ng mahigit limang taon sa kanilang bayan.

Ang heat stroke na karaniwan ay umaatake kapag sobrang taas ng init ng temperatura ay na­kamamatay kapag hindi naagapan.

Dahil sa naturang pang­yayari muling nagpaalala ang mga kinauukulan na kapag nakaranas mga sintomas ng heat stroke tulad ng panghihina, pananakit ng ulo,  pagpapa­wis at pagsusuka ay agad kumonsulta sa mga doktor.

Magugunita na kamakailan lamang ay isa ring tumatakbong mayor sa Sorsogon ang nasawi dahil sa heat stroke.

BATAY

BINALONAN

DAHIL

ISANG

LIGA

MAGUGUNITA

PAGDATING

RAFAEL LE

SI LEGASPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with